A Junior Noob In Shambles



Title: In shambles

 
Hello !
It’s me again.  Woohoo -_-
I got a bunch of some news to share with you bloggie!

Indicators:
Bad news and Good news


1. I haven’t posted or composed anything since 1st of June but I’m almost done with my poem about my elementary classmates, I decided to lengthen the first story I posted here as a series and I’ve been formulating some new storylines including a story about heartbreak.


Composed Gentleman is my HERO!
2. I’m still new at blogging and my blog is not yet “personalized” enough but I’m glad that I found Composed Gentleman’s blog while surfing the net yesterday. 
In his blog entry, he included blogging tips to help other bloggers especially ‘noobs’ like me.
One of them is a about how he survived a year of blogging. I’ve read it for the nth time and also I saved that page as a guide for blogging. I also wanted to write about my own experience as a blogger similar to his post, so I’ll make an effort to monitor my blogging experience starting now..and that’s a fact!


Kudos to you sir, in return, I subscribed to your blog. Your post was a great help, by the way. Thank you!

3. Our new semester just kicked off last Monday. We have killer 9AM to 9PM schedules but we got new subjects including our electives. Also, I got the chance to see my blockmates and bestfriends and also him again.
It was not a bad first week because I have met some great professors in our new subjects. One of them told us to “make our denstiny in his class”. Tinamaan tlaga ako doon. I’ll post an entry about it soon.

I guess this is goodbye for now.


I hope we will have a fruitful semester ahead of us.

P.S. Bottomline is that my i.ph blog (whatlieswithin.i.ph) and its blogger counterpart (seewhatlieswithin.blogspot.com) are still under construction but I will continue posting entries maybe not everyday but every week.

Another entry will be posted soon.   
  
Good day bloggie !

salamat

  
Halina at balikan ang nakaraan
Ang inyong memorya, ating susubukan
Tignan natin kung kaya ninyong hulaan
Ito ang mumunti kong palaisipan

Kaklase ko sila simula Kinder one
Sa isang paaralang Rosewood ang ngalan
Halos pitong taon na rin ang dumaan
Gradwesyon pa nung huling nagkakitaan

     
Swimming man o reunion, siya ang nag-ayos
Unica iha ‘yan pero one of   the boys
Kahit busy, siya’y may oras rin sa Diyos
Wala kang katulad, Abigail Malajos


Siya’y nag-aaral sa UE Caloocan
Upang mahasa, talento sa lutuan
Magaling at may angking katalinuhan
'Yan si Meryll ang aming valedictorian

                                                                 
si Fatima Mae , “kuma” kung siya’y tawagin
Mahilig siyang kumain pero slim pa rin
Huwag matakot, ‘di kayo kakagatin
Kahit itanong ‘nyo pa kay JD at B

Ang inyong relasyon, sana’y magtagal pa
Pero paano nga ba  ‘yan nagsimula
Pagkikita’y tila raw telenobela
Kaya Elan at Ayboo, ikwento ‘nyo na
 
  
Active sa drums at judo diyan sa Lyce
Sa amin, siya lang ang mayroong kotse
Okey kasama dahil game sa galaan
Sino siya? Walang iba kung hindi si John 


Ngayon ay Architecture ang kinukuha
Pero hilig sa sayaw, di mawawala
Sa bawat pag-guhit, sa bawat pag-hataw
Tiyak na kayo’y kay E.M mapapa-wow

   
Sino nga ba sa kanya’y ‘di kikiligin?
He’s tall,white and handsome,iyan si Ed Martin
Hindi lamang ‘yon dahil siya’y mabait din
Sorry na lang girls, si Ed ay taken na rin
    
Ngayo’y isa na siyang ganap na babae
Simple lamang at walang kaarte-arte
Sa magkakaibigan, siya ang aming ate
Nag-iisa lang ‘yan, si Caryl F. Parce

   
Ako’y inaasar tuwing nagkikita
Kaibigan ko pa rin kahit ganoon siya
Wala nang tatalo sa pag-gigitara
Paul Adrian Laserna, isang sample nga
 
Siya’y maputi, singkit at napakaganda
Kapag siya’y kinontra, ay nako lagot ka
Sa mga banat niya, hindi kayo uubra
Si Francine ay isang astiging chinita
 
Masungit siya, iyon ang kanilang sabi
Ngunit diyan sila ay talagang mali
kapag siya’y na-meet, ‘di kayo magsisisi
‘Yan si Luis ang kaibigan naming witty
 
May pagka isip-bata noon si Darlene
Pero siya ngayo’y nag-dalaga na rin
Mga anime characters pa rin ang hilig
Sa pag-guhit ay hindi siya padadaig

 Dati siyang baby ng barkadahan namin
Pero ngayo’y mas malaki pa sa akin
Masayang kausapin iyang si Alene
Mga latest tsismis ang sa iyo’y aaminin

     
Nasa U.S pa rin sila Jill at Julee
Doon sila sa L.A namamalagi
Kailan kaya sila sa Pinas uuwi
Upang ang kambal ay makasamang muli

Sa inyo’y wala man lang kaming balita
Clinton, Carl,  Nixie, James, Aprielle, Joren, Thea,
Fhate, Julian, Michael, Trissia, Yna, Patricia,
Benjoe, Joeben, Orlando pati kay Joshua

Inaamin ko, kayo’y miss na miss ko na
“Thanks for the memories” ha, ika nga nila
Ilang taon na lamang tayo’y graduates na
Kailan kaya tayo muling magkikita?


Kakrung-krungan ko’y inyong pagpasensyahan
Itong munting tula, sana’y maibigan
Nais ko lang na kayo’y pasalamatan
Sa walang kapantay na pagkakaibigan



“Ultio dulcis est”

I would like to share with you, my dear blog, the story that i wrote for our Retorika subject during our sophomore year. nahalungkat ko iyan sa email ko kahapon. honestly, i was not well written unlike some of my classmates’, but for me it is a good start. please bear with me. uhm, so here it goes… 

“Ultio dulcis est”

(Walang Sikretong Hindi Nabubunyag)


CHARACTERS:
           Francisco             Mylene                     Raphael               Paula
            Alcaraz    ←↓→    Martinez     ←↓→     Martinez   ←↓→    Ortega
Francis Andrew Alcaraz*** Myra Denisse Alcaraz**Krystel Laarni ‘Ella” Ortega
                 Mary Paulene Ortega-Alcaraz
 ******* brother/sister
 ←↓→ bore a child
————————————————————————————————————————————————————————
Sa katagang ito na mula sa Kabanata 65 ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal, umiikot ang kwento ng apat na magkakaibang tao na sila Mylene, Franco, Raphael,Paula at ang mga naging bunga ng kanilang pag-iibigan. Pag-ibig na siyang nagbuklod sa mga ito, pag-ibig nga rin ba ang siyang sisira?
Ika- 14 na araw ng buwan ng Pebrero.
Mabuting niyang pinagmasdan ang pamangking si Paulene habang ito’y tumatakbo sa kanya.
Kuhang-kuha nito ang pagiging masayahin at pagkabungisngis ni Ella, ang matalik niyang kaibigan. Naiiba ito sa mga batang kasing-edad nito dahil mayroon itong mature na pagiisip na nakuha naman sa mahal nyang Kuya Andrew.
Isang luha ang nagpadausdos sa kanyang pisngi nang maalala ang mga ito.
Tatlong taon na ang nakakalipas ng sumakabilang-buhay ang dalawa sa mga mahal ni Myra sa buhay, si Kuya Andrew at si Ella dahil sa isang aksidente.
Masakit pa rin sa kanya na naulila ang kanilang anghel dito sa mundong ibabaw na walang kinikilalang ama’t ina.
Bigla siya nitong niyakap at isang tanong ang nagpaalis ng ngiti sa kanyang mga labi,
“ Tita, sino po sila?” tanong ni Paulene.
Dalawang kamay ang humawak sa kanyang mga balikat. Sila Inay at Itay.
“ Panahon na sigurong kanya nang malaman ang tungkol sa kanila. Mas mabuti na alam na niya ng mas maaga.” Sabi ni Aling Mylene,.
“Tama ang Inay mo, Myra” sangayon naman ng kabiyak nito.
“paulene, halika rito.may ikukwento sa’yo si Tita Myra”
                                                                                    
Nagsimula ang lahat ng isang umaga ay nagising na lamang si Mylene dahil sa nakaamoy siya ng hindi kaaaya na nagpabaligtad sa kanyang sikmura.
Patakbo siyang tumakbo sa lababo ng kanilang kusina.inalis niya sa kanyang isip ang masamang posibilidad na siya’y buntis.
Sakto namang nandoon ang kanyang tiyahin na kumakain, Ito ang kanyang Tiya Nene. Inampon ito ng kanyang aguel sa Davao.Dahil nga naman na wala siyang mga nakagisnang mga magulang, pumayag itong mag-alaga sa kanya dahil wala rin itong anak.

Nagulat ito nang siyang namumutla at biglang sumuka.
.“aba, teka! Buntis ka ba? Ang kapal naman ng mukha mo para lumandi ant magpabuntis pagdating mo rito sa Maynila.” Sigaw nito.
‘tita, mahal po naming ni Fanco ang isa’t isa! Papanagutan niya po ang anak naming” tugon niya.
‘nako bahala ka ngang bata ka! Siguraduhin mo lang. kung hindi, uuwi ka ng Davao!!!, babala nito.
Naisip niya bigla ang kanyang kasintahan.Isa itong Medicine student sa UST habang siya naman ay 3rd year nursing student mula sa OLFU.
Nagkakilala sila nito sa isang blood-letting event ng Red Cross. Pareho silang volunteers sa nasabing event.
Alam niyang may posibilidad na hindi nito panagutan ni Franco dahil nga sa magkalayong estado niola sa buhay.
Simula pa lamang ay tutol na ang mga magulang nito sa kanilang relasyon.
Nag-iisang anak kasi  ito ng mag-asawang nabibilang  sa isang prominenteng angkan na magmamay-ari ng mga taniman ng tubo sa Nergos Occidental.
May tiwala si Mylene sa relasyon nila kaya itinuloy pa rin nila.
Iyon ang pagkakamali niya.
Pinaiimbestigahan pala siya ng mama nito.Ang hindi alam niya alam, tumawag na pala ang Tiya niya dito pagkaalis niya para magpa-check up sa doctor.
Masaya siyang dumiretso sa ospital upang siguraduhing siya nga ay nagdadalang-tao. Kumpirmado nga, dalawang buwan na siyang buntis.
Papauwi na siya nang magtext ang mama ni Franco. Magkita daw sila.
Pagkarating niya sa kanilang tagpuan, nagulat siya ng bigyan siya nito ng isangmakapal na envelope.
“ayan ang pera. Ipalaglag mo ang bata. Ayaw naming masira ang pangalan ng anak ko kaya kung tingin mong pananagutan yan ng anak ko, NAGKAKAMALI KA!” sigaw nito sa kanya.
“ kung iyan po ang inaakala ninyo, wala po akong balak ipalaglag ang bata. Bigay poi to ng Diyos sa akin. Kaya ko siyang buhayin kahit ako lamang mag-isa ng hindi humihingi ng tulong sa inyo. Paalam na po.” Sabi niya.
Bago man umalis, gusto niyang sabihin sa kanyang kasintahan ang kanyang kalagayan. Nakapaghanap siya ng tiyempo ng sunduin siya nito mula sa unibersidad na pinapasukan niya.
Para itong hindi mapakali ang kanyang kasintahan.
“hindi ka ata naka-uniform ngayon. May klase ka hindi ba?” nagtatakang tanong nito.
“wala lang. ayoko kasing pumasok.” Matamlay naman niyang tugon.
“halika, may bagong bukas na kainan doon sa Rockwell. Doon na lamang tayo mag-hapunan”, sabi nito.
Ginagap niya ang kamay nito. “sandali, Franco. May gusto akong sabihin sayo?’ usal niya.
“ha?? Sige.. ano ba yon?” tanong nito.
“Franco, dalawang buwan na akong buntis.” Naiiyak na sambit niya.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Franco. Tila alam na nito ang sasabihin niya.
“mahal na mahal kita Mylene. Pero hindi ko pa kaya….”
Hindi na niya pinatapos si Franco sa sasabihin nito kaya isang malutong na sampal ang pinakawalan niya. Patakbo siyang umalis doon habang ito naman ay naiwang nakatulala.
Nang malaman nito ang kanyang kalagayan, hinanda na niya ang kanyang sarili sa mga pwedeng mangyari kaya nag-alsa balutan na siya mula sa kanyang tiyahin.
Desidido na siyang umuwi ng Davao upang doon na lamang makapagtapos at para maalagaan ang kanyang aguela.
Dumating siya sa Davao at tinanggap naman siya ng kanyang aguela. Mahal na mahal kasi siya nito pero hindi pa rin maiaalis ang hinanakit sa naging kalagayan niya.
Pagkaraan ng pitong buwan, sa isang publikong ospital niya iniluwal ang isang malusog na sanggol at pinanggalanang Andrew.
Sa limang taon na pamamalagi sa Davao, nagtrabaho siya roon at naging head nurse kalaunan.
Doon niya nakilala si Raphael. Si Raphael ay isang piloto na bumisita lamang sa isang kaibigan sa karatig baryo. Naging pasyente niya ito nang maaksidente habang naghihiking kasama ang mga kaibigan nito.
Siya ang unang nakita nito pagkaraang magising mula sa sampung araw na walang malay.
“sir, ok na po ba ang mga sugat niyo? Tanong niya.
“salamat sa pagaalaga mo sa akin habang ako’y nandito ha. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan.”
“ wala po iyon sir. Trabaho ho naming iyon bilang nurse.” Sagot naman niya.
“ nako huwag mo na akong pinp-“po”. Just call me Raphael.”
“ uhm. Ok po sir…Raphael.”
Di nagtagal ay naging magkaibigan sila nito at sa huli’ynaging manliligaw niya.
“bakit ayaw mo ba sa akin, Mylene?”
‘dahil.. may anak ako”
Iba ito sa mga ibang manliligaw niya dahil tinanggap nito ang pagiging dalagang ina at ang anak niya.
Doon nagsimula ang masayang pagsasama nilang mag-ina na kasama si Raphael.
Hindi rin nagtagal sila ay nagpunta sa Maynila upang doon na manirahan. Parkaraa’y nagpakasa sila at biniyayaan ng isang babaing sanggol. Ito ay pinanggalanang Myra Denise. Pero dahil sa kalakaran ng ng trabaho ni Raphael, napilitan itong  bumalik sa trabaho bilang piloto sa isang airline dalawang taon matapos maipanganak si Myra.
Nahirapang makapag-desisyon si Raphael na umalis at iwan sila Mylene. Binigyan kasi siya ng kanyang amo ng promotion. Malaki kasi ang sweldo. Sino nga ba ang makakatanggi sa offer na iyon kung ang kapalit naman ay maginhawang buhay para sa kanyang mag-iina.
Kahit labag sa damdamin ni Mylene, pumayag pa rin siya.
Sa unang dalawang buwan ay maayos naman ang naging takbo ng kanilang long distance relationship. Pero katulad ng isang ordinaryong mag-asawa ay nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan. At ang dahilan ay ang trabaho niya.
Kapag dumating ang oras na napupuno na siya sa nagiging kinahihinatnat ng kanilang pag-aaway, idinadaan niya na lamang sa paginom habang kinukwento sa kanyang matalik na kaibigan na si Paula. Isa itong flight attendant ng airline sa pinagtatrabahuhan niya.
‘ bakit ka pala nag-aayang uminom?  nag-away na naman kayo ni Mylene noh.’ Tanong nito.
‘di ka nagkakamali. Ano ba ang ginawa kong mali? Para rin naman sa kanila ito.’ Malungkot na tugon niya.
‘ hindi mo rin naman sila masisisi dahil sila ang pamilya mo.natural lang naman sa isang relasyon na dumadaan sa ganyan. Tiwala lang.’ sabi naman nito.
Masasabing dito siya pinakamalapit dahil hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad sa isa’t-isa. Ang alam niya platonic ang relasyon nila dahil isang nakababatang kapatid lamang ang tingin niya dito. Hindi niya alam, lihim pala siya nitong iniibig.
Nang isang beses na masobrahan sila sa nainom, may nagyari sa kanila. Lubos niyang pinagsisihan ang namagitan sa kanya. Ayaw niya itong madamay sa mga pinagdadaanang problema.
Halos isang buwan itong hindi pumasok pagkaraan ng nangyari.
Nagbalak siyang kausapin ito ng masinsinan upang mag-sorry sa nangyari pero nagulat siya nang nag-file na pala ito ng resignation. Umuwi ito sa Pilipinas.
Nanlulumong bumalik siya sa kanyang kwarto. Isang sulat ang kanyang nakita sa may lamesa. Mali ang ginawa niya. Babae pa rin ito at siya’y lalaki.
“ buntis ako, Raphael pero hindi mo ito kailangang panagutan. Ayokong masirta angrelasyon ninyo ni Mylene dahillang dito. Salamat sa lahat. Mahal na mahal kita. Paalam’ nakasaad sa sulat nito.
Hindi na nakita ni Raphael ang matalik na kaibigang si Paula.
Umuwi si Paula sa Pilipinas upang  doon ipanganak si Krystel Ella o “Ella” pero makalipas ang isang taon bumalik ito sa trabaho para matustusan ang pangangailangan  nito. Iniwan niya ito sa kanyang mga kapatid na matatandang dalaga upang alagaan ito.
“ Tita Myra, ano pong nangyari sa kanila at doon sa mga anak nila?’’ tanong nito.
“itong batang ito. Excited masyado. Sandali na lamang at malalaman mo, Paulene” tugon naman niya.
Pagkalipas ng mahigit 16 na taon,,,,
Isang nakakabinging tili ang gumising kay Andrew. Alam niyang mula ito sa pinakamamahal niyang kapatid.
‘ kuya, GISING!!!! Promise mo sa akin,ihahatid mo ako sa first dayko.” Sigaw ni Myra.
“ five more minutes sis,’’ ungol ni Andrew.
“Francis Andrew, narinig mo naman ang sabi ng kapatid mo hindi ba?” sabi ng kanilang ina.
“ akala ko nga po may sunog. Tunog sirena po kasi inay. hahaha!”  sabi ni Andrew.
‘CHE!’ sabi ni Myra.
Kasalukuyan siyang 3rd year engineering student sa MAPUA habang si Myra naman ay kumukuha ng Journalism student sa PUP. Mahilig kasi itong magsulat at pangarap nitong makapagtrabaho sa  United Nations bilang writer.
Si Myra Denisse ang anak ng kanyang inay kay Tito Raphael.  Tinanggap kasi siya ng kanyang Tito noong bata pa siya kayaito angf dahilan kung bakit hindi iba ang pagtingin niya sa kanyang kapatid kahit magkapatid lamang sila sa ina.
Si Tito Raphael,Inay at si Myra ang angtinuturing niyang pamilya. May hinanakit pa rin kasi siya sa kanyang totoong ama na noo’y nang-iwan sa kanilang mag-ina.  Hindi niya ito kinikilala bialng ama niya.
‘ inay, gusto ko pong sa publikong kolehiyo na lamang mag-aaral. Hindi ko po masisikmura ang mag-aral sa MAPUA na siya ang mag-papaaral sa akin. Mas makakatipid po tayo kung gagamitin na lamang natin ang perang ibinigay niya para si Myra na lamang po ang mag-aaral sa isang magandang unibersidad.” Tutol niya.
“ yun nga ang sinabi ko sa ama mo nang siya ay tumawag.Kaya lamang ang sabi ito, isasama ka nito sa Amerika kapag hindi ka pumayag. Wala namang makapipigil sa’yo kung gusto mong sumama sa kanya. Malaki ka na, desisyon mo iyan.siyanga pala,” Sabi ng ina.
 “dito na lang po ako.” Sagot ni Andrew.
Kaya nga niya pinagiigihan ang trabaho kahit nasa college pa lamang siya upang maipagmalaki naman siya ng mga ito.
Iyon ang dahilan kaya..,.,
“halika na Myra. Papasok ka pa. suambay ka na sa akin. Doon naman ako sa Jolibee-Sta. Mesa inassign kaya masusundo kita palagi.. sabi niya.
Hindi nahirapang makapag-adjust si Myra sa PUP dahil lagging nasa tabi niya ang kuya niya kapag siya’y maykailangan. Mahal na mal niya ito ang ang kanilang inay. Ito rin ang kasakasama niya ng siya’y nag-appy sa nasabing unibersidad. Busy kasi si Inay sa trabaho bilang nurse sa St. Luke’s Medical Center. Kahit ganoon, inaasikaso parin sila ng akanilang mahal na ina.
Naging ok naman kapag hatid-sundo siya ng kanyang kuya pero minsan ay aaawa siya rito dahil lagi itong pagod. Para sa kanya, ang Kuya Andrew niya ay ang Superman ng buhay niya na kahit marami itong ginagawa, sa paaralan man o trabaho, hinding-hindi nito nakakalimutan na maglaan ng oras para sa kanilang mag-iina.
Dahil nga adjustment period pa naman, halos lahat ng mga professor niya ay hindi dumating kaya naisipan niyang sumama sa event ng Youth For Christ (YFC).
Doon niya nakilala si Ella.pareho sila nitong ‘freshie’. Si Ella ay isang HRM student.Sa bahay, lagi niya itong ikinikwento sa inay niya at kuya.Minsan nga’y naghanggad siya na magkaroon ng kapatid na kagaya ni Ella. Sa una pa lamang ay nag-click na sila. Mayroon silang magulang na OFW sa ibang bansa. Halos lahat ng hilig at mga bagay na kinaayawan ay pareho sila. Naging simula iyon ng maganda nilang pagkakaibigan.Lagi niya ritong kinukwento ang tungkol sa kuya niya. Lalo na ang mga embarrassing moments nito.
Hindi pa nagkikita ang kuya niya at si Ella. Ewan ba niya kung bakit. Kaya minsang tinopak siya, ginawan niya ito ng paraan. Sumakto naman na parehong nasa main ang kanilang klase. Ginabi sila ng uwi kaya dumiretso sila sa pinagtatrabahuhan nito. Kaakibat niya siguro ang langit kaya walang masakyan si Ella pauwi.
‘ella, sabay ka na lang sa amin ni kuya’ aya ni Myra.
Parehong napatingin ang dalawa sa kanya.
‘ay oo nga pala. Kuya si Ella, bestfriend ko. Ella, ang kuya ko,
‘hello, kamusta?’ masayang bati ni ella kay Andrew.
‘hmp.’ Tango lang isinagot ni Andrew at bigla na sila nitong tinalikuran upang mag-serve sa ibang mga customers..
‘kuya ang sama mo talaga.’ Pagtatanggol naman ni Myra kay Ella.
‘aba, ang sungit nito ah. Makagaganti rin ako sa’yo.’ Bulong ni Ella sa kanyang sarili.
Saglit silang natahimik nang biglang…
“myra, bakla ba ang kuya mo?’ tanong ni Ella.
Gulat namang napatingin ang magkapatid at ang iba sa mga customers sa kanya.
Halos lahat pala ng tao sa loob ay napatingin sa kanyang kuya na dahilan upang ikapula ng kanyang mukha. Balak pa sanang isubo ni ella ang natitirang French fries nang…
‘halika nga kayong dalawa, ang kukulit nyo at ikaw. ‘ANONG SINABI MO?? AKO BAKLA?’ sabat ni Andrew.
‘sorry, napalakas ata ang boses ko. Hahah.ikaw nagsabi nyan ah. Hahaha bleh. ’sabi niya.
‘tama na nga kayong dalawa. Daig nyo pa ang mag-syota kung mag-away ah”.sita ni Myra.
Sa pagtagal ng ilang buwan, wala parin pinagbago ang dalawa. Para parin silang aso’t pusa kapag nagkikita. Magkaiba man ang dalawa, si Myra ang nagsillbing tagapagbalanse. Ibig sabihin, siya ang pinagaagawan ng mga ito para maging kakampi tuwing nagaaway. Siya rin ang naging tulay upang magkabati at di kaalaunan ay nagkahulugan ng loob. Hindi na nagtaka si Myra na magkakatuluyan ang dalawa. Bagay na bagay naman sila.
Lumipas ang dalawang taon, Graduating na sa kursong Engineering si Andrew habang sila Myra ay nasa iaktlong taon na. Naging matatag rin ang relasyon nila Andrew at Ella bilang magkasintahan.  Masayang-masaya at tila kontento na si Myra sa naging takbo ng buhay niya dahil naroon sa tabi niya ang mga mahal niya sa buhay. Nag-iba ang lahat nang…
Dalawang araw bago ang kaarawan ni Andrew.
‘hi baby!’ bati ni Paula sa kanyang anak.
‘ hi din po mommy, I missed you po’ sagot ni Ella sabay yakap sa ina.
‘sino po  iyang kasama ninyo ma?’tanong niya.
‘si Dr. Alcaraz. Doktor, ang anak ko si Ella.’ Sabi ng mommy niya.
Kagagaling lang ng mga ito sa departure area ng airport mula sa Amerika. Tatlong taon din bago nakauwi ang kanyang ina kaya hindi niya maiwasang maluha sa tuwa at nagbalik na ito.
Dumating ang ika-21st birthday ni Andrew, ang araw na makikita at makakausap nito ang kanyang ama.
Ingay ng telebisyon ang gumising kay Andrew. Makararanas daw ng matinding pagulan sa rehiyon ng Luzon particular ang lungsod ng Maynila. Ito ay ayon sa reporter na nagsasalita. Lagi namang ganoon dito sa Pinas tuwing darating na ang ‘ber’ months. Nagulat siya ng mas maaga pang nagising ang kanyang ina sa kanya. Naghahanda pala ito para sa isang malilit na salo-salo.
‘Happy birthday anak! Bati nito sa kanya.
Si Andrew lang at ang kanilang inay ang nakakaalam ng nakatakdang pagkikita ng dalawa, hindi na nila sinabi ang bagay na iyon kay Myra.
‘aalis na po ako inay. Hindi ko po maihahatid si Myra ngayong araw. Pasensya na po.’ sabi ni Andrew
‘ok. Umalis ka na.. Sigurado akong kukulitin ako ng kapatid mo para malaman kung saan ka pupunta. Basta magiingat ka ha. Love you anak.’ Sabi ni Aling Mylene.
Pagkaalis nito,siya namang paglabas ni Myra mula sa kanyang kwarto.
‘inay, asan si kuya.? Kaarawan pa niya naman ngayon.’ tanong ni Myra.’
‘Umalis na. may pupuntahan lang. siya nga pala hindi ka niya masusundo mamayang paguwi mo.’ Sabi nito.
Nalungkot bigla si Myra.
‘huwag kang magtampo sa kuya mo. Alam mo namang mahal na mahal ka niya. Magbihis ka na may pasok ka pa.’ Mariing sabi nito.
Opo inay. Sige po papasok na po ako,,paalam ni Myra.
Maagang natapos ang klase niya kaya nagkayayaang gumala muna. Pumayag silang dalawa ni Ella sa naging alok ng kanyang mga kaklase. Wala namang kasing susundo sa kanila dahil umalis ang kuya niya. Inabutan sila ng dilim ng sila’y matapos pumunta ng mall. Bumuhos ang malakas na ulan kaya nagpasya muna silang dalawa nila na pumunta sa bahay ni Ella.
‘halika pasok ka. Pasensya na ha. Maliit lang kasi ang kwarto ko.sigemaghahanda lang ako ng hapunan natin ha’ Sabi ng kaibigan.
Kahit maliit, napapanatili ni Ella na malinis ito.
‘ok. Siyanga pala, pahiram nang notes mo sa College Algebra. Pareho naman tayong may ganoong subject eh.’ Paalam niya.
‘ok sige.’ Sabi nito.
Habang nililipat niya ang pahina, May isang litratong nalaglag mula rito. Akala niya litrato iyon ng kuya niya pero hindi dahil katulad iyon ng litrato sa kanyang wallet—litrato ng kanyang ama na si Raphael!
Nakarating si Andrew sa kanilang tagpuan at doon nadatnan niya ang isang matipunong ngunit halata dito na may edad na rin ito kasama ang isang babaing hindi nalalayo sa edad nito. Napansin niyang nakasuot pa ito ng uniporme ng isang doktor. Maaaring sa ospital pa ito nanggaling. Magkahalong saya at galit ang naramdaman niya ng makitang magkahawig sila ng lalaking iyon. Masaya siyang makikita na niya ang ama niya pero napakuyom na lamang siya ng maalala ang ginawa nitong pagiwan sa kanilang mag-ina. Pinilit niyang maging magalang sa mga ito.
‘magandang hapon po, Mr. Alcaraz.’ Bati niya.
‘maupo ka anak,’ tugon ng matandang lalaki.
Salamat po.’ Sagot niya.
‘bago ko nga pala makalimutan, anak si Tita Paula mo. Paula, ang anak kong si Andrew.’ Sabi nito.
Nang maisip niyang ito ay kasintahan ng kanyang ama, lalo siyang naramdam ng galit para dito. Kailangan niyang kontrolin ang sarili para matapos na itong pagkikita nila. Ang ama niya ay hindi magkamayaw sa pagkukwento tungkol sa sarili. Kapag tinatanong siya nito, tipid lamang ang kanyang sinasagot. Hindi na kinayang kontrolin ni Andrew ang sarili ng dumako ang usapan tungkol sa kanyang ina.
‘ang lakas naman ng loob ninyo para makipagkita sa akin matapos ninyo kaming iwan.’ Sabi niya.
 ‘anak, patawad kung ngayon lang tayo nagkita.oo kasalanan ko, hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para ipaglaban kayo ni Mylene mula sa mga magulang ko. Nang malaman nila ang kalagayan ng iyong ina, pinauwi nila ako sa Amerika. Sinabi nila sa akin na tinanggap niya ang perang inalok nila at matagumpay ang ginawang aborsyon. Hindi ko sila pinaniwalaan at pumunta ako sa tinitirhan niya. Pagdating ko roon, wala na ang iyong ina. Hindi raw alam ng kanyang tiya kung saan siya nagpunta. Ang tiya pala niya ay inalok din ng pera ng aking mga magulang. Patawad anak. Mahal na mahal ko kayong dalawa.’ Naiiyak na sambit nito.
Sa bahay naman ng nila Aling Mylene..
Hindi mapakali si Aling Mylene. Sana maging maayos ang kahihinatnan ng pagkikita ng mag-ama. Taon na rin naman ang hinintay niya upang mangyari ito. Lam niyan sasabihin na ni Franco ang tunay na nangyari sa pag-iwan nito sa kanilang mag-iina.
Bigla namang may kumatok sa pinto.
10 taon na ang nakararan ng huli bago siya nakauwi ng Pilipinas. Ang lagi ng pinagbago ng bansa. Lalo tuloy siyang nasasabik na makita ang pamilya niya.
‘tao po!! Mylene’ sabi ni Raphael habang kumakatok,
‘sino kaya iyon? Sandal lang.’ tugon ni Mylene.
‘RAPHAEL?’ sambit ni Mylene.
‘ oo, ako nga mahal ko. Pasensya na kung ngayon lang ako nakarating. Na-cancel kasi ang flight ko ng ilang oras dahil sa matinding pag-uulan kanina. Nandiyan nab a ang mga bata.? Marami akong pasalubong sa mga anghel natin.’ Tugon nito sabay kabig sa asawa upang bigyan ng isang halik.
Masayang-masaya si Mylene sa ibinalita ng kanyang kabiyak. Posible pala silang maging buo ngayong kaarawan ni Andrew. Ngunit kulang pa pala sila—hindi pa dumarating si Myra!
Hindi akalain ni Andrew ang inamin ng kanyang ama. Pagkaraan noo’y naging magaan na ang usapan nila. Nagtanong ito tungkol sa pangalawang asawa ang kanyang ina at kay Myra. Tumagal ang paguusap ng mag-ama.
Bigla namang may tumawag sa kanya, si inay.
‘andrew, hindi pa dumarating ang kapatid mo. Hindi naman niya sinasagot ang cellphone niya. gabing-gabi na. baka kung anong mangyari roon.’ Nagaalalang sabi ng kanyang inay.
‘sige po inay.’ Sagot niya.
Nagpaalam na siya sa kanyang ama at sa kasama nito. Ayaw pa sana niyang matapos ang usapan nila pero kailangan niyang hanapin si Myra. Pinuntahan niya agad si Ella sa kanilang bahay.

 ‘ella, kasama mo ba ang kapatid ko?’ tanong niya.
‘oo kasama ko siya pero bigla na lamang siyang umalis. Hindi ko nga alam kung bakit, umiiyak siya ng Makita ko na hawak niya ang picture ng tatay ko.’ Tugon naman ng kasintahan.
‘baka naman kakilala niya, pero imposible namang umiyak ng ganon lang si myra. Sino ba angnasa litratong iyon?
‘ ang tatay Raphael ko.’ Sabi nito.
Gulat na gulat si Andrew sa kanyang narinig pero hindi niya ito pinahalata dahil may biglang nag-doorbell sa labas ng bahay nila Ella.
‘andrew, sila mama na siguro iyon.’ Paalam nito.
Sakto namang pumasok sila Paula at Franco sa sala. Nanabutan sila nitong naguusap.
‘anong ginagawa mo rito, Andrew? Tanong ng amang si Franco.
‘kilala niyo po si Andrew?’ tanong ni Ella.
‘siyempre, siya ang unico hijo ko.’ Tugon nito.
Hindi alam ni Andrew ang gagawin. Kailangan niyang makaalis dito pero paano?
Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Myra ang tumatawag.
 ‘kuya, hindi ko alam ang gagawin ko. Sunduin mo na ako.’ Nagmamakaawang sambit nito.
‘ok sige. Nasaan ka na ba?’ sagot niya.
‘sige papaunta na ako diyan,’ sabi niya.
‘ sige ho. Aalis na ho ako. May emergency lang ho. Pasensya na.’ paalam niya samga ito.
‘ andrew, sandali….’ Pigil ni Ella ngunit nakaalis na ito.
‘ mr. Alcaraz, totoo ho ba ang sinabi ninyo na anak ninyo si Andrew?’ tanong ni Ella.
Bago man makasagot si Franco..
‘sige na Franco, umuwi ka na. tama na,,’ sabi ni Paula.
Naiiyak na si Ella. Nalilito na rin siya sa mga nangyari.
‘Ma, bakit ang daddy ni Andrew pa ang boyfriend mo? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit iyon para sa akin. Ikaw itong nagpakasasa sa ibang bansa tapos darating ka dito at sisirain mo lang ang buhay ko. I HATE YOU! ‘ pagdadabog ni Ella.
‘hindi totoo yan.’ Sigaw ni Paula sabay sampal dito.
Nagulat sila pareho sa ginawa ng kanyang ina.Mabilis na pumunta si Ella sa kanyang kwarto. Sinarado nito ang pinto kaya walang nagawa si Paula kung hindi ang maghintay.
‘patawad anak.’ Iyon ang tanging nasabi ni Paula.
Naguguluhan na siya sa mga nangyari. Natutop ang kanyang bibig. Bakit kailangang sa kaarawan pa niya nalaman ang ganitong mga sikreto na maaaring makasira sa magandang pagsasama nilang lahat.
Tulala sa isang sulok si Myra ng makita ni Andrew.
‘MYRA!’sigaw nito sabay yakap sa kapatid.
‘kuya.’ Sabi nito.
‘oh bakit?’ tanong ni Andrew.
‘MAG-BREAK NA KAYO NI ELLA HA.’ Ang huling nasabi nito at bigla na lamang hinimatay.
Hindi niya masisisi ang kapatid dahil kahit siya’y nagulat sa nalaman. Inalalayan niya ito hanggang sila’y makauwi. Wala siyang ibang pinagsabihan tungkol dito.
Isang linggo na ang lumipas, hindi pa rin pumapasok si Myra sa unibersidad habang si Ella nama’y hindi pa rin pinapansin ang ina nito. Nagaalala na ang kanilang ina at ama. Ayaw rin kasi sabihin ni Myra ang dahilan. Pagod lang raw ito kaya ganoon si Myra ayon kay Andrew. Alam niyang nagsisinungaling ito pero hinayaan na lamang ni Mylene. May mabigat siguro itong dahilan kaya ginawa niya ito.
‘ano ba talaga ang  nangyari kay Myra?’ nagaalalang tanong ni Aling Mylene.
‘ inay, hayaan ninyo ho siyang makapagpahinga.malalaman nyo rin’ Malingkot na sabi ni Andrew.
‘sige anak. Syanga pala, aalis muna kami ng Tito Raphael mo. Bibisitahin naming ang kanyang mga kamag-anak.’papalam ng ina.
Bumalik na si Andrew sa pagbabantay kay Myra. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot ang mga text at tawag ni Ella. Nahihirapan siyang magdesisyon kung itutuloy pa niya ang hiling ng kapatid.
Nabalitaan ni Ella na hindi pa rin pumapasok si Myra kaya naisipan niyang dalawin ito. Balak din niyang alamin ang nagyari dito..Naghanda siya ng prutas para sa matalik na kaibigan para naman gumaan ang pakiramdam ni Myra.
Nagulat siya ng si Andrew ang nagbukas sa kanya. Bigla siyang nahabag ng makita ang kasalukuyang itsura ni Andrew. Pumayat ito at halata ang pagiging mahina nito.
‘hi Myra. Ok ka na ba?’ sabi ni Ella.
‘BAKIT ANDITO KA? TIGILAN MO NA NGA KAMI!’ Sabi ni Myra.
‘ha? Bakit?’ tugon ni Ella.
Pareho na silang umiiyak nito.
‘GINUGULO MO KAMI! UMALIS KA NA BAKA MAKALIMUTAN KONG BESTFRIEND KITA.’ Sigw ni Myra.
‘sumosobra ka na. Wala siyang alam tungkol dito. Pagtatangol ni Andrew.
‘at ikaw kuya. Kinakampihan mo pa siya kaysa sa akin. MAGAAGAW KA TALAGA! Pati ba naman ang kuya ko?????’ bulyaw nito.
‘tumigil ka na, Myra. Nagmamakaawa ako sa iyo.’ Iyon lang at sinubsub na nito ang mukha sa mga kamay nito.
‘halika na Ella, magusap tayo.’ Sabi niya.
Alam niyang nagtataka ito dahil halos isang linggo silang hindi nagkita at nagusap at sa nangyari kanina.
‘ano ba iyon, andrew? May naging problema ba? Tungkol ba ito noong birthday mo?”
‘ewan ko. Pero sa tingin ko ay kailangan na nating mag-break. Naguguluhan na ako. Ayokong madamay pa kayo ni Myra.. tandaan mong mahal na mahal kita. Paalam.’ Sabi ni Andrew.
Sa paglipas ng mga araw, si Andrew ang nahihirapan. Gusto na niyang matigil ang lahat ng mga nangyari. Hindi siya umuwi ng kanilang bahay. Nakaisip siya ng plano.
‘Tito, Inay, may kaliangan po kayong malaman isama ninyo po si Myra. Magkita po tayo.’Sabi niya.
‘Tay,pwede ninyo ho bang isama si Tita Paula at si Ella. May kailangan ho kayong malaman. Magkita po tayo.
Nagulat ang apat ng magkakitakita sila. Lahat ng mga importanteng tao sa buhay ni Andrew ay dumating. Si Inay, Itay, Tito Raphael at si Andrew.
Isinalaysay niya sa apat ang mga nalalaman niya tungkol sa mga sikretong naibunyag.
‘nagmamakawa ho ako sa inyo. Nahihirapan na ho talaga ako.hindi ko na ho alamang gagawin ko.
 Kahit hindi sumagot ang mga ito, alam niyang kailangan na nilang aminin sa kanilang mga anak ang mga sikretong kinubli ng mga ito.
‘Anak.‘Ayokong madamay kayo sa mga naging kamalian naming mga matatanda. Patawad..’ Sabi ni Mylene.
‘Anak ko sa pagkadalaga si Andrew kay Franco. Alam na iyon ni Andrew at ni Ella.Salamat Franco at sinabi mo na kay Andrew ang dahilan ng iyong pagiiwan sa amin. Tandaan mong may lugar ka pa rin sa puso ko.’ Sabi ni Mylene.
Si Paula naman ang sumunod.
‘hindi alam ni Raphael na nagbunga ang isang gabing pareho naming pinagsisisihan. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay Ella. Ayokong sirain ang relasyon ninyong dalawa. Oo, aaminin ko minahal ko noon si Raphael pero alam kong kapatid lamang ang tingin niya sa akin at ikaw ang pinakamamahal niya. Patawarin ninyo sana ako.At sa huli, walang relasyong namamagitan sa amin ni Franco. Pasyente niya lang ako. Alam mo ba ella na wala akong balak bumalik sa Amerika noong nakalipas na tatlong taon kung hindi lamang ako na-diagnose na may subacute cutaneous lupus erythematosus (SCLE) ako. Hindi lang halata sa akin dahil nga ang taonhg natamaan nito ay hindi kakikitan ng scars o peklat. Tatlong taon akong nakipaglaban sa sakit na ito doon sa amerika..  Pinigilan ako ni Franco na umuwi dahil masmakakasama raw sa akin iyon. Pero masisisi ba naman niya ako na isang ina na nangungulila sa kanyang anak, Kaya ako umuwi dito para makapiling ka bago ako bawian ng buhay.’ Naiiyak na tugon nito.
‘Mahal na mahal po kita,mommy.’ Sabi ni Ella.
Pagkaraan noo’y tila nakaramdam ng kapayapaan si Andrew. Maaayos na ang lahat.

Pagkalipas ng dalawang taon, maraming nagbago sa mga buhay ng ating mga bida.
Silang tatlo ay nakatapos na ng pagaaral. Natupad ng mga ito ang mga mithiin nila sa buhay. Wala na silang mahihiling pa. Si myra ay isang sikat na writer ng UN habang si9 Andrew naman ay naging topnotcher sa licensure exam. Si Ella naman ay isang manager ng hotel pero ito’y naka-maternal leave dahil nga’y kapapanganak pa lamagn sa unang anak nila ni Andrew. Pinangalanan itong Mary Paulene. Ang ‘Paulene’ aymula sa pinaghalong pangalan ng mga aguela nito na sina Paula at Mylene habang ang ‘Mary’ ay mula sa pangalan niya. Isang buwan matapos maipanganak si Paulene ay namatay naman ang ina ni Ella na si Paula dahil nga sa lupus. Isang mialgro nang tumagal ang buhay nito ng isa pang taon.
Ika-14 ng Pebrero. Araw ng kasal nila Andrew at Ella.
Naging emosyonal lahat ng miyembro ng pamilya dahil nga ikakasal na ang magsingirog sa altar. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang mga ito habang papunta sa Amanpulo,Palawan kung saan dapat mag-hohoney moon ang dalawa.
Ika- 14 na araw ng buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan
Mabuting niyang pinagmasdan ang pamangking si Paulene habang ito’y tumatakbo sa kanya.
Kuhang-kuha nito ang pagiging masayahin at pagkabungisngis ni Ella, ang matalik niyang kaibigan. Naiiba ito sa mga batang kasing-edad nito dahil mayroon itong mature na pagiisip na nakuha naman sa mahal nyang Kuya Andrew.
Isang luha ang nagpadausdos sa kanyang pisngi nang maalala ang mga ito.
Tatlong taon na ang nakakalipas ng sumakabilang-buhay ang dalawa sa mga mahal ni Myra sa buhay, si Kuya Andrew at si Ella dahil sa isang aksidente.
Masakit pa rin sa kanya na naulila ang kanilang anghel dito sa mundong ibabaw na walang kinikilalang ama’t ina.
Bigla siya nitong niyakap at isang tanong ang nagpaalis ng ngiti sa kanyang mga labi,
“ Tita, sino po sila?” tanong ni Paulene.
Dalawang kamay ang humawak sa kanyang mga balikat. Sila Inay at Itay.
“ Panahon na sigurong kanya nang malaman ang tungkol sa kanila. Mas mabuti na alam na niya ng mas maaga.” Sabi ni Aling Mylene,.
“Tama ang Inay mo, Myra” sangayon naman ng kabiyak nito.
“paulene, halika rito.may ikukwento sa’yo si Tita Myra”