salamat

  
Halina at balikan ang nakaraan
Ang inyong memorya, ating susubukan
Tignan natin kung kaya ninyong hulaan
Ito ang mumunti kong palaisipan

Kaklase ko sila simula Kinder one
Sa isang paaralang Rosewood ang ngalan
Halos pitong taon na rin ang dumaan
Gradwesyon pa nung huling nagkakitaan

     
Swimming man o reunion, siya ang nag-ayos
Unica iha ‘yan pero one of   the boys
Kahit busy, siya’y may oras rin sa Diyos
Wala kang katulad, Abigail Malajos


Siya’y nag-aaral sa UE Caloocan
Upang mahasa, talento sa lutuan
Magaling at may angking katalinuhan
'Yan si Meryll ang aming valedictorian

                                                                 
si Fatima Mae , “kuma” kung siya’y tawagin
Mahilig siyang kumain pero slim pa rin
Huwag matakot, ‘di kayo kakagatin
Kahit itanong ‘nyo pa kay JD at B

Ang inyong relasyon, sana’y magtagal pa
Pero paano nga ba  ‘yan nagsimula
Pagkikita’y tila raw telenobela
Kaya Elan at Ayboo, ikwento ‘nyo na
 
  
Active sa drums at judo diyan sa Lyce
Sa amin, siya lang ang mayroong kotse
Okey kasama dahil game sa galaan
Sino siya? Walang iba kung hindi si John 


Ngayon ay Architecture ang kinukuha
Pero hilig sa sayaw, di mawawala
Sa bawat pag-guhit, sa bawat pag-hataw
Tiyak na kayo’y kay E.M mapapa-wow

   
Sino nga ba sa kanya’y ‘di kikiligin?
He’s tall,white and handsome,iyan si Ed Martin
Hindi lamang ‘yon dahil siya’y mabait din
Sorry na lang girls, si Ed ay taken na rin
    
Ngayo’y isa na siyang ganap na babae
Simple lamang at walang kaarte-arte
Sa magkakaibigan, siya ang aming ate
Nag-iisa lang ‘yan, si Caryl F. Parce

   
Ako’y inaasar tuwing nagkikita
Kaibigan ko pa rin kahit ganoon siya
Wala nang tatalo sa pag-gigitara
Paul Adrian Laserna, isang sample nga
 
Siya’y maputi, singkit at napakaganda
Kapag siya’y kinontra, ay nako lagot ka
Sa mga banat niya, hindi kayo uubra
Si Francine ay isang astiging chinita
 
Masungit siya, iyon ang kanilang sabi
Ngunit diyan sila ay talagang mali
kapag siya’y na-meet, ‘di kayo magsisisi
‘Yan si Luis ang kaibigan naming witty
 
May pagka isip-bata noon si Darlene
Pero siya ngayo’y nag-dalaga na rin
Mga anime characters pa rin ang hilig
Sa pag-guhit ay hindi siya padadaig

 Dati siyang baby ng barkadahan namin
Pero ngayo’y mas malaki pa sa akin
Masayang kausapin iyang si Alene
Mga latest tsismis ang sa iyo’y aaminin

     
Nasa U.S pa rin sila Jill at Julee
Doon sila sa L.A namamalagi
Kailan kaya sila sa Pinas uuwi
Upang ang kambal ay makasamang muli

Sa inyo’y wala man lang kaming balita
Clinton, Carl,  Nixie, James, Aprielle, Joren, Thea,
Fhate, Julian, Michael, Trissia, Yna, Patricia,
Benjoe, Joeben, Orlando pati kay Joshua

Inaamin ko, kayo’y miss na miss ko na
“Thanks for the memories” ha, ika nga nila
Ilang taon na lamang tayo’y graduates na
Kailan kaya tayo muling magkikita?


Kakrung-krungan ko’y inyong pagpasensyahan
Itong munting tula, sana’y maibigan
Nais ko lang na kayo’y pasalamatan
Sa walang kapantay na pagkakaibigan



0 comments:

Post a Comment